August 17, 2010

Sino ang unang taong kumain ng Ampalaya?


Naisip ko lang kanina, sino kaya ang pinaka-unang tao na kumain ng ampalaya?  Yun talagang first ever person na naka-isip na kainin ang isang bagay na kulubot at mapait.  Sinabi kaya nya sa sarili nya: "Uy ayun o may nakalawit na kulubot na bunga masubukan ngang kainin.  Yuck mapait pala!  Pero sige na nga subukan ko na ring lutuin tutal hindi naman ako nalason at saka pwede na ring laman tyan yan."  Di ko lang talaga ma-gets kung sino ang malikot ang utak na nag-decide na ang mapait na ampalaya ay masarap at pwede palang kainin.  To the person who discovered that ampalaya is edible, hanep ka, isa kang alamat!